Thursday, July 30, 2026
KrimenBREAKING

Patay na bagong silang na sanggol natagpuan sa isang basurahan sa Maynila

Kaso ng sanggol sa Tondo nagbigay-diin sa patuloy na isyu ng pangangalaga sa mga sanggol sa Pilipinas.

MD

Mateo Dela Cruz

July 29, 20262 min read4 views
Patay na bagong silang na sanggol natagpuan sa isang basurahan sa Maynila
Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa basurahan sa Tondo, Maynila.
Share:

Isang sanggol na babae, na tila bagong silang, ang natagpuan sa isang basurahan sa Tondo, Maynila, noong Hulyo 29, 2026, pasado ala una ng hapon.

Ayon sa mga pulis, nahukay ang katawan ng sanggol sa isang compound kung saan ang mga basurang nahahakot mula sa buong lungsod ay sinesegregate bago ilipat sa sanitary landfill.

Napansin ng namimili dun na may plastic na itim... nakabalot siya, ngayon nung binuksan kasi kakaiba, ... parang kakaiba yung laman, pagbukas, yun nga natagpuan yung parang bagong silang na sanggol.

Police Capt. Ryan Jay Balagtas, Smokey Mountain PCP Commander

Ang sanggol ay nakabalot sa itim na plastic bag, at maaaring kakahakot lamang mula sa mga basurang nahahalo ang katawan.

Wala pang malinaw na impormasyon kung saan eksaktong bahagi ng Maynila nagmula ang basura na naglalaman ng sanggol. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang truck na pinanggalingan nito.

Kapag natukoy ang mga magulang o sinumang responsable sa pagtatapon ng sanggol, maari silang harapin ng mga kaso tulad ng abortion o infanticide, batay sa resulta ng medico-legal na pagsusuri.

Sa kasalukuyan, ang katawan ng sanggol ay nasa punerarya at nakatakdang isailalim sa autopsy.